Ang buhay daw ng tao ay parang gulong.
Minsan nasa itaas, minsan naman nasa ibaba.
Pero para sa akin flat tire ngayon
At mukhang matatagalan bago ako makabalik sa itaas.
Sabi nila wala raw problemang ibibigay sa iyo na di mo kayang lutasin.
Hmmm, devil’s advocate lang po…
E papano yung mga lumulukso sa tenth floor ng gusali?
o kaya’y umiinom ng sandamakmak na sleeping pills para tumakas sa problema?
Di ba nila nahanap ang solusyon?
Minsan naiisip ko.. Lord di kaya na-overestimate Mo yung capacity ko?
Pero syempre wala ka namang sagot na maririnig.
Dahil pag may narinig kang boses, malamang mental hospital na ang case mo.
Oo wala kang maririnig pero umaasa ka na lang na
Kung meron man akong natutunan ngayon, eto ay yung pagiging sensitib..
huwaw …sensitib daw o…
Oo… dati pag me natatanggap akong text message mula sa kaibigan na
malala ang condisyon ng ermats nya… o kaya’y agaw –buhay ang erpats nya …automatic lang ang reply ko… I will include you in my prayers.
Pero ngayong nararanasan ko ang mga paghihirap na ito, ngayon ko na lang sila lubos naiintindihan. Ngayon ko lang nararamdaman ang mga hinagpis na kanilang dinaanan.
Madaling magsabing “Every darkest night has a dawning day”
o kaya’y “behind every cloud is a silver lining” at kung anu-anong motivational ek ek.
Pero pag pinagdadaanan mo ang pagsubok parang ang hirap sambitin ang mga phrases na ganito. Believe me.
Pero sige lang. Kailangan e.
Susubukan.
Kakayanin.
Kung ang buhay ay isang stage performance, ito ay walang rehearsal. Walang take 2. Walang rewind. Tuloy tuloy lang.
Madulas ka man sa sahig. Magkamali ka man ng blocking, Makalimutan mo man ang iyong linya, the show must go on.
Kung ang buhay ay isang laro, wala itong taym pers. Walang break. Walang half time. Walang time out.
Ma technical foul ka man. Ma head butt. Ma knock out. Masipa sa betlogs. Sige lang tuloy pa rin ang game.
Hindi titigil ang mundo para sa iyo. Gabundok man ang iyong pasanin, sumambulat man ang kalooban mo sa hinagpis, lumawit man dila mo sa kapaguran, hindi ito titigil para sa iyo.
Ulit… Hindi ito titigil para sa iyo.
Oo mahirap man tanggapin pero talagang ganyan ang buhay.
Unfair na kung unfair.
Magmura ka na kung magmura.
Maghain ka na ng complaint ( pero kanino ? Kahit saan, wag lang sa senate blue ribbon dahil aabutin ka ng siyam siyam).
Magfile ka man ng motion for reconsideration.
Mag strike
Mag protesta
Sumigaw sa buong bundo.
You can damn it to your heart’s content
Pero ano pa nga bang mangyayari?
Sa banding huli ikaw lang ang talo.
So tuloy lang ang laban.
Huwag ka nang magreklamo
Huwag kang tumigil.
Huwag kang sumuko.
Dahil ang sinumang susuko sya ang talo.
Oo madaling sabihin
Mahirap gawin.
Pero kailangan.